Naglabas ang National Telecommunication Commission o NTC ng show cause order at cease and desist order laban sa Facebook, Lazada at Shopee.
Ito’y kaugnay sa pagbebenta ng text blast machine at iba pang kaparehong kagamitan na makikita sa mga nasabing online shopping platform.
Ayon sa ntc, maituturing na paglabag sa Republic Act 3846 o radio control law, kung saan nakasaad sa kautusan na walang otorisasyon na mag-import, gumawa at magbenta ng naturang kagamitan.
Samantala, inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga kinatawan ng Facebook, Lazada at Shopee na itigil ang pagbebenta ng text blast machine, gayundin ang magsumite ng paliwanag at humarap sa komisyon sa Oktubre 27.—sa panulat ni Airiam Sancho