Naghain ng panukala si Congressman Rodel Batocabe na baguhin ang edad ng senior citizen sa 56 sa halip na 60.
Sa House Bill 6340, sinabi ng kinatawan ng Ako Bicol Partylist na ang pagbaba ng age requirement para sa senior citizenship ay mangangahulugan ng pagbaba rin ng optional retirement age para sa mga empleyado.
Dagdag pa ni Batocabe, sa edad na 56 anyos, nakararanas na ang isang tao ng mga karamdamang may kinalaman sa katandaan.
Samakatuwid ay may pangangailangan, aniya, sila ng mga benepisyo at pribilehiyo na tinatamasa ng mga senior citizen sang-ayon sa batas.
Sinabi rin ni Batocabe na kapag hinayaang magretiro ang mga empleyado nang mas maaga ay mas maaga rin nilang malalasap ang kagandahan ng early retirement.
By: Avee Devierte