Kinumpirma ni Senate Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tongol na nasa ika-pitong hakbang na ang Senado sa eleven-step impeachment process sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng tagapagsalita na kanila nang inaasahan sa step 7 ang “appearance of the Vice President” at ang opisyal na sertipikasyon sa Kamara tungkol sa bagong House prosecutors upang makapag-umpisa nang mag-convene muli ang Senate Impeachment Court na target pasimulan sa July 29.
Dagdag pa ni Atty. Tongol na naglabas din ang Korte Suprema ng resolusyon na nag-uutos sa Kamara at Senado na magsumite ng buong detalye ng kanilang proceedings, mula sa paghahain, debate at pagpasa ng impeachment articles.