Home NATIONAL NEWS House prosecutor, itinuring na “gray area” ang pagsasampa ng kaso sa ilang impeachable officials habang nasa puwesto

EAMC gagamit ng refrigerated container van bilang morgue para sa mga nasawi sa COVID-19

by DWIZ 882 April 13, 2020 0 comment
EAST AVENUE MEDICAL CENTER

Gagamit na ng refrigerated container van ang East Avenue Medical Center (EAMC) na magsisilbing morgue para sa nasabing coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, lima lamang ang kapasidad ng morgue ng EAMC kaya’t nagtabi-tabi ang mga labi na nasa stretcher nang umabot ito sa mahigit sa 15 nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Duque na agad nyang pinuntahan ang EAMC matapos mag-viral ang post hinggil sa nakatambak umanong mga labi ng COVID-19 patients sa EAMC.

Batay anya sa paliwanag ng pamunuan ng ospital, hindi naman nagtambak kundi nasa stretcher at pinagtabi-tabi nila dahil kulang na sa espasyo ang ospital.

Iginiit ni Duque na walang direktiba ang Department of Health (DOH) na huwag i-report ang bilang ng mga nasasawing pasyente sa COVID-19.

Napag-alaman na hanggang kaninang umaga, nasa siyam na lamang na labi ang hindi pa nakukuha ng kamag-anak sa EAMC.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment