Binigyan-diin ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na paglabag sa konstitusyon kapag basta na lamang ibinasura ng senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa harap ng ipinapaikot ni Senator Ronald Bato Dela Rosa na resolusyon na nagsusulong na ibasura ng senado ang impeachment case laban sa bise presidente
Giit ni Senador Pimentel malinaw na sinasabi sa konstitusyon na “trial by the senate shall forthwith proceed’.
Kung meron man anyang impeached na impeachable official, kailangan marinig ng taong bayan ano ba ang mga ebidensiya mayroon ang kanilang mga representante o ang mga kongresista na nag impeach kay VP Sara.
Dagdag pa ng Senador, kailangan ding bigyan ng pagkakataon ang na impeached na opisyal na depensahan at linisin ang pangalan niya kaya dapat magsagawa ng paglilitis ang Senado sa impeachment case laban sa Bise Presidente.
Paliwanag pa ng opisyal, kung susundin ang rules of court, dapat na aksyunan at talakayin ang resolusyon o’ anumang mosyon na ibasura ang impeachment case ng bise president kapag nag-convene na ang senado bilang impeachment court.—sa panulat ni Kat Gonzales