Hindi sasama sina Senador Chiz Escudero at Senador Antonio Trillanes IV sa nabuong Super Majority Coalition sa Senado na sumusuporta kay Senador Koko Pimentel sa pagka-Senate President.
Ayon kay Pimentel, nagsabi sina Escudero at Trillanes na gusto nilang mag-minority sa 17th Congress.
Sa isang text message, sinabi ni Escudero na nag-abiso ito kay Pimentel na kahit wala naman siyang personal na hindi nagustugan dito, mas gusto niyang maging minority sa ngalan ng kanyang prinsipyo at paniniwala.
Sa ngayon, labingpitong Senador ang kasama sa Super Majority Coalition.
Bukod kina Escudero at Trillanes, hindi rin kabilang sa Super Majority Coalition ang grupo nina Alan Peter Cayetano, Cynthia Villar, Senador JV Ejercito, Senador Mig Zubiri, at Dick Gordon.
ngunit sinabi ni Pimentel, hihimukin niyang sumali na rin ang nasabing grupo.
By: Avee Devierte