Inalmahan ni Senadora Leila de Lima ang lantarang pagsasapubliko ng kanyang personal na cellphone number sa hearing ng Kamara hinggil sa operasyon ng ilegal na droga sa new bilibid prisons.
Ayon kay De Lima, dahil dito, tinadtad aniya siya ng mga text messages na naglalaman ng mga pambabastos, pang-aalipusta at pagbibintang.
Sinabi ng Senadora na hindi niya na magamit ang naturang numero dahil sa pagbaha ng mga mensahe at tawag mula sa kanyang mga kritiko.
By: Ralph Obina / Cely Bueno