Suportado ng pamahalaan ang mga sektor na naapektuhan ng pagtaas ng inflation sa bansa.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), patuloy pa rin ang gobyerno sa pagbibigay ng fuel subsidy at conditional cash transfer program kung saan ito ang nakikitang solusyon sa patuloy na pagtaas ng inflation rate.
Nabatid na tinutugunan naman ng Pamahalaan ang pagpapalakas ng sektor sa agrikultura upang magkaroon ng maayos na food supply at produksyon sa bansa.
Matatandaang umabot sa 7.7% ang naitalang inflation rate nitong buwan ng October.