Itinakda na ng Korte Suprema ang oral arguments sa ikatlong beses na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon sa high tribunal, gagawin sa Enero 22 at 23 ang oral argument matapos maghain ng petisyon ang Magnificent 7 ng Kamara laban sa one year martial law extension sa Mindanao Region.
Magugunitang inaprubahan sa joint session ng Kamara at Senado ang pagpapalawig pa ng batas militar sa Mindanao base na rin sa rekomendasyon ng ehekutibo at ng AFP At PNP.
Sinimulang pairalin ang martial law nang pumutok ang giyera sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.
—-