Inendorso na ng Department of Interior and Local Government ang rekomendasyon ng Philippine National Police na palawigin ng isang taon ang martial law sa Mindanao.
Ayon kay Interior and Local Government Officer-In-Charge Catalino Cuy, ang nagpapatuloy na banta ng mga terrorist group ang nag-udyok sa pnp na i-rekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang extension ng batas militar.
Nagsagawa anya ng assessment ang militar at pulisya sa marawi maging sa buong Mindanao bago isinumite ang rekomendasyon.
Magugunitang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na i-aanunsyo ang desisyon ng Pangulo bago mag-recess ang Kongreso sa December 15.