Umabot na sa probinsya ng Pangasinan ang sakit na African Swine Fever (ASF).
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Pangasinan Provincial Government na nagpositibo sa ASF ang may 15 baboy sa bayan ng Mapandan.
Tinukoy na ang naturang mga baboy ay nanggaling sa Bulacan.
Una nang nagpositibo ang Bulacan at Rizal sa sakit na ASF dahilan ng pagkamatay ng maraming baboy sa naturang mga probinsya.