Aabot sa 109 na residente sa probinsya ng Cagayan at Kalinga ang nakitaan ng sintomas ng sakit na amoebiasis.
Ayon kay Dr. Carlos Cortina III, health officer ng Cagayan Provincial Health Office, karamihan sa tinamaan ng sakit ay mga bata na nagmula sa Allacapan, Aparri, Buguey, Camalaniugan, Gattaran, Lal-Lo, Lasam.
Sila ay naka-admit sa district hospital sa probinsya simula pa noong nakaraang linggo.
Magsasagawa naman ng mas maraming laboratory test ang health office upang matiyak na hindi cholera ang tumama sa kanila.
Ang amoebiasis ay kahalintulad ng cholera na kumitil na ng buhay ng apat na residente sa probinsya ng Aurora.