Umaapela ng karagdagang supply ng N95 masks ang mga residenteng apektadong tumitinding volcanic smog o vog ng Bulkang Taal sa Batangas.
Ayon kay Barangay Chairman Manuel Balba, ng Barangay Maria Paz sa Tanauan City, ordinaryong face mask lang ang gamit ng mga residente bilang proteksyon sa vog.
Inirerekomenda anya ng PHIVOLCS ang N95 masks upang maiwasang makalanghap ng abo.
Tiniyak naman ng Batangas Disaster Risk Reduction and Management Office na bibili na sila ng N95 mask habang may mga handa na ring magbigay.
Pinag-aaralan na rin ang pagpapatupad ng “selective evacuation” sa mga residenteng apektado ng volcanic smog. —sa panulat ni Drew Nacino