Handa si House Appropriations Committee chair at ACT-CIS Partylist representative Eric Go Yap na harapin ang kasong isasampa ng Presidential Security Group (PSG).
Tiniyak ni Yap ang pagsagot sakaling kasuhan ng PSG dahil sa paglabag sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) protocols.
Kasabay nito, muling humingi ng paumanhin si Yap sa ehekutibo at mga kongresista na nakasama niya matapos siyang mag positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Yap na wala siyang naramdamang sintomas ng COVID-19 at hindi niya rin batid na positibo siya nang dumalo sa pulong sa Palasyo at sa special session.
Naging maingat naman aniya siya at siniguro ang social distancing sa mga opisyal habang nasa labas.
Ayon pa kay Yap, nanghihinayang siya dami ng trabaho lalo na kung sakaling negatibo siya kaya’t inuna pa rin niya ito sa kabila nang hinihintay na resulta ng COVID-19 test.