“Not guilty plea” ang ipinasok ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para sa kaniyang kaso ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
Ayon sa kampo ni Teves, muli niyang ginamit ang kaniyang karapatang manahimik sa korte.
Dahil dito, itinakda ang pre-trial para sa nabanggit na kaso sa susunod na buwan.
Matatandaang, hindi rin nagpasok ng plea si Teves sa kanyang pinagsama-samang kaso ng ilegal na pagmamay-ari ng mga baril at pampasabog, gayundin sa kasong multiple murder kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Magugunitang idineklara si Teves at labindalawang iba pa bilang mga terorista ng anti-terrorism council dahil sa sinasabing serye ng pamamaslang at pananakot sa Negros Oriental. – sa panulat ni Jenn Patrolla