Kinalampag ang Malakanyang partikular si Pangulong Benigno Aquino III na bigyan ng clemency ang mga matatandang preso na may mga sakit at may taning na ang buhay sa iba’t ibang kulungan alang alang sa kapaskuhan.
Sinabi ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na lalo lamang lalala ang kundisyon ng mga matatandang preso dahil sa mga siksikang kulungan.
Ayon sa senador, huling nagbigay ng executive clemency ang Pangulong Aquino ay noon pang 2012 matapos ipag-utos ang pagpapalaya sa 88 matatandang preso na may edad 71 hanggang 85.
Naging practice na aniya noon sa Malacanang ang taon taong paggagawad ng clemency tuwing Pasko subalit hindi ito nasunod sa panahon ng Aquino administration.
By: Aileen Taliping (patrol 23)