Kasado na ang buong preparasyon para sa seguridad na ipatutupad sa SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Ayon kay Chief Superintendent Guillermo Eleazar, hepe ng QCPD o Quezon City Police District, mahigpit ang ipatutupad nilang seguridad, hindi dahil sa nangyayaring terorismo sa Marawi City kundi normal anya itong ginagawa para sa SONA.
6,000 pulis anya ang ipakakalat nila sa paligid ng Batasan at isasama rin ang ilang mga sundalong miyembro ng Joint Task Force NCR.
Kasado na rin anya ang kanilang diyalogo sa iba’t ibang grupo na magsasagawa ng rally kasabay ng SONA.
Sinabi ni Eleazar na bagamat pinayagan nila ang mga raliyista na makalapit sa Batasan, nakahanda naman anyang tumugon agad ang mga pulis sakaling mayroong magpasiklab ng gulo.
“Nakahanda po tayo for any eventuality, so, hindi po natin ipapasawalang bahala na merong magsasamantala sa ganitong okasyon kaya’t ito po ay aming ihihanda ng maayos.”
“So, mahigpit po ang security, ngayon at saka sa dati.”
- Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)