Nilinaw ni Quezon City Cong. Alfred Vargas ang laman ng panukala nyang ‘no homework’ para sa mga nasa grade school.
Ayon kay Vargas, ipinagbabawal lamang ang homework sa kanyang panukala tuwing weekend.
Kasabay nito, nilinaw rin ni Vargas na walang penal clause ang kanyang panukalang batas laban sa mga guro na lalabag sa ‘no homework policy’ sakaling maging batas ito.
Aminado si Vargas na sya ang nagkamali nang mailagay sa kanyang panukala na magmumulta ng P50,000 at makukulong ang mga guro na lalabag sa ‘no homework policy’.
Para ma-free up yung Friday, Saturday and Sunday, e, magkaroon naman po ng oras para sa ibang bagay ang ating mga Pilipinong estudyante. At ang gusto po natin, una, mas mabigyan sila ng mas maraming oras kasama ang kanilang pamilya, pangalawa, mas mabigyan din sila ng mas maraming oras na madiskubre ang kanilang mga talent, kakayahan, lakas at talino sa labas ng classroom,” ani Vargas.
Balitang Todong Lakas Interview