Bumagsak sa 13-month low ang foreign direct investments (FDI) dahil sa kaunting investments sa debt instrument noong Hunyo.
Ayon sa BSP, bumaba ito sa 51.5% kumpara sa 971 million dollar na investment na pinuhunan ng mga dayuhan sa bansa noong Hunyo ng nakaraang taon.
Umabot sa 471 million dollars o 26.7 billion pesos ang pumasok na foreign investments sa bansa nitong Hunyo.
Batay sa datos ng BSP, karamihan sa naturang mga investment ay pautang na nagkakahalagang 3.34 billion dollars.
Habang nasa 738.89 million dollars lamang ang bagong puhunan sa mga kumpanya at nasa 559.3 million dollars naman ang kinita nila sa ibang bansa na pinuhunan muli sa mga kumpanya sa Pinas. —sa panulat ni Hannah Oledan