Bukas ang Presidential Security Group (PSG) sa isasagawang imbestigasyon ng Food And Drug Administration, Bureau of Customs (BOC) at National Bureau of Investigation (NBI).
Kaugnay ito ng pagpapabakuna kontra COVID-19 ng ilan sa kanilang mga tauhan, kahit walang awtorisasyon mula sa FDA.
Ayon kay PSG Commander Brig, General Jesus Durante III, handa silang harapin ang anumang posibleng maging resulta ng kanilang naging hakbang.
Aminado rin si durante na sinarili nila ang pagkuha at paggamit ng bakuna kontra COVID-19 kaya handa siyang akuin ang responsibilidad dito.
Iginiit naman ni Durante na walang alam si Pangulong Rodrigo Duterte, maging ang iba pang ahensiya ng pamahalaan sa kanilang ginawa at wala rin silang ginamit na pondo ng pamahalaan.
Sa katunayan aniya ay ikinagulat pa ng pangulo nang kaniyang aminin dito na nagpabakuna na kontra COVID-19 ang ilan sa kanilang miyembro kung saan nakuha nila ang unang dose noong Setyembre at sinundan ng ikalawang dose noong Oktubre.