Nagbabadyang tumaas ngayon ang presyo ng tinapay bunsod ng pagsipa rin ng presyo ng ilang sangkap nito.
Ayon iyan sa ilang panadero kahit pa pinipilit nilang panatilihin ang presyo ng tinapay para maging abot kaya ng publiko.
Pero umaaray na ang ilang panadero dahil bukod sa asukal, tumaas na rin ang presyo ng ilan pang mga sangkap tulad ng powdered milk, margarine, butter at LPG.
Una nang nilinaw ng SRA o Sugar Regulatory Administration na walang epekto ang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ang pagsirit sa presyo ng asukal.
—-