Kinansela na ang lahat ng klase sa mga paaralan at pasok ng mga empleyado sa Ilocos Norte matapos maganap ang lindol sa Abra.
Sa pahayag ni Ilocos Norte Provincial Administrator Yvette Leynes, nagsasagawa na ng assessment ang mga local authorities sa mga nasirang gusali at ari-arian bunsod ng magnitude 7 na lindol kahapon.
Ayon kay Leynes, papayagan ang mga empleyado na magsagawa ng work from home set up para narin masiguro ang kaligtasan ng kanilang pamilya.
Samantala, nag-isyu narin ng Executive Order 2022-015 si Batac City Mayor Albert Chua para suspendihin ang klase at trabaho sa public at private sectors.
Sa ngayon, namamahagi narin ng tulong ang lahat ng opisina at departamento sa mga nabanggit na lugar para sa mga naapektuhan ng lindol.