Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa mga magsasaka na hindi na bababa pa ang presyo ng palay dahil bumaba na ang presyo ng bigas sa merkado sa gitna ng 20-peso-per-kilo rice program ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, ipagpapatuloy ng National Food Authority o N.F.A. ang pagbili ng palay sa mga magsasaka sa 18 pesos kada kilo para sa fresh o wet na palay, at 19 hanggang 23 pesos kada kilo para sa clean at dry.
Dagdag ng Presidente, binabaratan ng mga rice trader ang mga magsasaka dahil sa kakulangan ng pasilidad sa pag-proseso ng palay, na isang bagay na nais nilang madagdagan.
Sinabi ng N.F.A. noong Mayo na minomonitor nito ang presyo ng palay na kasing baba ng onse-singkwenta pesos kada kilo, at may ilang lugar na nag-uulat ng presyo ng bilihan mula trese hanggang kinse pesos kada kilo.
Bumili na rin anya ang ahensya ng labingapat na truck na ipapakalat nila sa mga lugar na may mabababang presyo ng palay upang kanilang maipadala sa mga imbakan, at plano nilang ipaabot nila ito sa kabuuang siyamnapung truck ngayong taon, at sa animnaraan pagdating ng 2028.