Iniimbestigahan na ng Department of Finance (DOF) ang napakalaking pagitan sa presyo ng palay at sa presyo ng bigas sa merkado.
Ayon sa DOF, umaabot sa P22.00 ang average na pagitan ng presyo ng palay at ng bigas.
Umaabot umano sa halos P15.00 lamang ang presyo ng palay, samantalang ang average retail price ng bigas ay umaabot pa rin sa mahigit P37.00.
Sinabi ni Finance undersecretary Karl Kendrick Chua ang napalaking pagitan ng presyo ng palay at bigas ay isang indikasyon na mayroong problema sa middle supply chain.
May mga traders rin anya na iniipit muna sa kanilang mga bodega ang inimport nilang bigas para tumaas ang presyo ng bigas kahit na sagana naman ang suplay.