Tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, dalawang araw bago ang paggunita ng Mother’s Day sa Linggo, Mayo 13.
Mabibili na ang isang bouquet ng nakaayos na mga bulaklak ng P500 mula sa dating presyo nito na P350 hanggang P400.
Ayon sa mga nagtitinda, maaari pang umabot sa P700 hanggang P800 ang presyo ng isang “bouquet” bukas araw ng sabado kung kailan inaasahang mas marami ang mamimili.
Posible naman anilang sa linggo ng tanghali hanggang hapon ay muling bumaba ang presyo ng mga bulaklak.
—-