Sa pagtatapos ng 2025 midterm elections, sinimulan naman ng Commission on Elections ang paghahanda para sa kauna-unahang parliamentary polls sa bBngsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nakatakdang gawin ang BARMM elections sa Oktubre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, isasaalang-alang nila at gagamitin ngayong papalapit na barmm elections ang lagat ng kanilang natutunan sa pagsasagawa ng halalan.
Aabot any sa 7,000 automated counting machines (ACMs) ang gagamitin para sa BARMM elections.
Kaugnay nito, nakatakda nang simulan sa susunod na buwana ng printing ng mga balota para sa halalan ng BARMM at inaasahang matatapos ito sa loob lamang ng isang buwan.
Samantala, kinumpirma ng Poll Body Chief na naghahanda na rin sila sa pagsisimula ng voter resigtration sa susunod na buwan.
Binigyan-diin ni Chairman Garcia na maikling panahon lamang gagawin ang pagpaparehistro dahil sa Disyembre na nakatakdang isagawa ang barangay at sangguniang kabataan elections.—sa panulat ni Kat Gonzales