Inaasahang patuloy na bababa ang retail price ng bigas sa darating na “-ber” months dahil sa base effects at nagpapatuloy na pag-aangkat.
Ayon kay National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, naitala sa negative-15.9% ang inflation ng bigas noong Hulyo, na mas mababa sa negative-14.3% noong Hunyo.
Ito na aniya ang pinakamababang rice inflation rate sa loob ng tatlumpung taon at simula nang napansin ang pababang trend ng rice inflation noong Agosto 2024.