Ibinida ng pamahalaan na naghahanda na ito sa pag-gagawad ng presidential merit scholarship para sa mga high school graduates na makakakuha ng mataas na honor, alinsunod sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
Ayon kay Commission on Higher Education Chairperson Shirley Agrupis, ang scholarship program na ito ay bahagi ng implementasyon ng Free Higher Education Law, ngunit layong tulungan hindi lang ang mga estudyanteng kabilang sa poorest of the poor, kundi maging ang mga anak ng middle-income families na hindi sapat ang kakayahan upang mapag-aral ang kanilang mga anak sa nais na kolehiyo.
Layunin ng programang ito na punan ang kakulangan sa critical sectors ng labor force sa pamamagitan ng suporta sa edukasyon ng mga mahuhusay na estudyante mula sa iba’t ibang antas ng lipunan.
—sa panulat ni Jasper Barleta