Aabot sa mahigit 600,000 Pinoy ang nakaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa Qatar.
Ito ang pinakamalaking bilang ng Filipino Community na sumalubong kay Pangulong Duterte sa mga naging state visits nito.
Sa kanyang pagsasalita, pormal na ipinakilala ng Pangulo ang bumubuo ng kanyang gabinete na katuwang niya para sa tunay na pagbabago ng sistema ng bansa.
Sumentro naman ang talumpati ng Pangulo sa mahigpit na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga at korupsyon.
Hinikayat ng Pangulo ang mga Pinoy sa Qatar na huwag matakot at gamitin ang kanilang mga karapatan bilang mahusay na mamamayang Pilipino laban sa mga tiwali sa gobyerno.
Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs, aabot sa 200,000 Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Qatar.
By: Meann Tanbio