Hindi interesado si Pangulong Rordigo Duterte na malaman kung kasama o hindi si Vice-President Leni Robredo sa mga nais magpatalsik sa kanya sa puwesto.
Sa kanyang pahayag bago bumiyahe sa Myanmar, sinabi ng Pangulo na hindi siya nakikialam sa buhay ng Pangalawang Pangulo kayat huwag din siyang pakialaman sa kanyang personal na buhay.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya apektado sa isinampang impeachment ng kanyang mga kalaban at kung makulong man siya ay maluwag niyang tatanggapin ang kapalaran.
Pero kung sakaling makulong man ang Pangulo, pabirong sinabi nito na gusto niya sa Monacco mapiit basta may magandang view ng beach at mayroong teleskopyo.
By: Aileen Taliping