Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa mga botante na iboto ang kandidato na may kakayahan sa posisyon na nais niyang gampanan.
Paliwanag ni PPCRV Chairperson Henrietta de Villa, nararapat na maging angkop ang taglay na kakayahan at karanasan ng mga kandidato sa posisyon na kanilang ninanais sa pamahalaan upang tunay itong magampanan at hindi masayang ang panahon ng kanilang panunungkulan.
Iginiit ni de Villa na mahalagang taglay na ng mga mamumuno sa bansa ang kakayanan at kaalaman sa pamamahala at pagsasagawa ng mga naaangkop na batas para sa bayan sapagkat masasayang lamang umano ang panahon kung dito pa lamang sisimulang pag-aralan ng mga mambabatas ang maiaatas na tungkulin.
By Avee Devierte | Aya Yupangco (Patrol 5)