Posibleng magutom ang higit 150,000 bilanggo na nakaditene sa may 400 mga kulungan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penelogy o BJMP.
Ayon kay Senator Ralph Recto, nakabatay lamang ang ibinigay na food budget sa BJMP para ngayong taon sa 106,000 mga bilanggo.
Mararamdaman ang kakulangan ng pondo sa pagkain sa kalagitnaan ng Oktubre hanggang sa katapusan ng taon.
Binigyang diin ni Recto na ang paglobo ng mga preso ay dahil sa mas pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
—-