Kumpiyansa ang Philippine National Police o PNP na makatutugon sila sa utos ng Korte Suprema na isumite ang case folders ng mga napatay sa kanilang anti-drug campaign.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, patapos na sila sa paghahain ng mga kinakailangang dokumento ng SC sa 4,000 kaso ng mga drug personalities.
Sinabi ni Albayalde na bago pa lumabas ang kautusan ay compliant na aniya sila sa Kataas-taasang Hukuman.
Matatandaang kamakailan lamang ay humiling ang tanggapan ng Solicitor General na kumakatawan sa PNP ng karagdagang 60 araw sa SC para makapag-validate at makakolekta ng case folders.
—-