Tiniyak ng national capital region police office o NCRPO na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad sa bansa.
Inihayag ito ni NCRPO acting regional director police chief Supt. Oscar Albayalde kasunod ng pagpatay kay SPO4 Edmar Bumagat, matapos itong barilin ng suspek na iisyuhan niya sana ng warrant of arrest sa Makati City.
Sinabi ni Albayalde na biktima rin sila ng mga pulis sa kanilang laban kontra droga.
Pero, hindi aniya sila titigil upang matiyak na hindi mapapamahak ang publiko ng mga sangkot sa illegal drugs.
Samantala, nakiramay sa pamilya bumagat ang mga kasamahan nito mula sa regional intelligence operatives unit kung saan inilarawan nila ang nasabing pulis bilang isang taong may dedikasyon.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 25) Allan Francisco