Ilulunsad ng PNP o Philippine National Police ang kanilang bagong rehabilitation program na tatawaging LIFT o ‘Life After Tokhang Program’.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, katuwang nila sa programang ito ang NGO o non-governmental organization na Life Rispondé Foundation Corporation na naging partner na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pag-rehabilitate sa mga Pilipinong nalululong sa droga.
Ani Carlos, sesentro ang kanilang programa sa community-based rehabilitation at outpatient recovery.
Target ng LIFT program na matulungan ang mahigit isang milyong gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga na sumuko sa mahigit isang taong Oplan Tokhang ng pamahalaan.