Hinarang ng mga awtoridad mula sa Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga nagmomotorsiklo na gumagamit ng open face at modular helmet sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Pero sa halip na hulihin, nagbigay ang mga kawani ng HPG ng mga full face helmet na siyang inirerekumenda ng pamunuan ng national task force against covid-19 para masiguro ang kaligtasan ng mga motorista ngayong nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.
Ayon kay HPG Director Police Brigadier General Alexander Tagum, target nilang makapamahagi ng aabot sa 100 full face helmet sa mga motoristang dumaraan sa bahagi ng nabanggit na lugar.
Bukod pa rito, siniguro rin Tagum kung nasusunod ba ang physical distancing sa mga pampublikong sasakyan, at aniya nasusunod naman daw ang mga umiiral na health protocols. — ulat mula ka Jaymark Dagala (DWIZ Patrol 9)