Naniniwala si PNP Chief Ronald Dela Rosa na sisibakin siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling may mapatay muli na Koreano sa kamay ng mga pulis.
Ayon kay Dela Rosa, hindi na niya kailangan pang mag resign kapag nangyari muli ito dahil sigurado siyang mismong ang Pangulo na ang magtatanggal sa kanya sa pwesto
Biro pa ni Dela Rosa, handa rin siyang magbaril sa ulo pag may nangyari ulit na katulad na kaso ni Jee Ick Joo
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Dela Rosa
Sa pagpupulong noong isang kagabi sa pagitan ni Dela Rosa at ng Korean community sa Clark Pampanga, tiniyak ni Dela Rosa na hindi na masusundan pa ang kaso ni Jee.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal