Minaliit ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pagbasura ng Korte Suprema sa kanilang mosyon na idismiss ang election protest ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa lead counsel ni Robredo na si Attorney Romulo Macalintal, procedural matter lang ang desisyon ng Korte suprema.
Hindi, aniya, ito nangangahulugang nagkaroon na ng dayaan noong nakaraang eleksyon na ikinapanalano ni Robredo.
Ibig sabihin lang, aniya, nito na maaaring ipagpatuloy ng Presidential Electoral Tribunal ang pagdinig sa election protest ni Marcos at bigyan pa ng pagkakataon si Marcos na patunayan ang mga akusasyon nito.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal