Binatikos ng grupong Gabriela ang planong relokasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa higit 4,000 mga Lumad sa Surigao del Sur.
Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan, sa halip na tulungang makabalik ng mapayapa ang mga miyembro ng tribu ay isinusulong na mailipat ito dahil posibleng pagkakitaan pa ito ni DSWD Sec. Dinky Soliman.
Hinala ng grupo, marahil ay may interes si Soliman sa kikitain ng mga minahan at pagtotroso na makikinabang sakaling mabakante ang lupa ng mga Lumad O kaya naman ay pagkakaroon ng kickback sa pondong ilalaan para sa nasabing relokasyon.
Batikos pa ng grupo, hindi dapat pagkatiwalaan si Soliman dahil ang pangakong pabahay sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda ay hindi pa rin natutupad.
By Rianne Briones