Ipauubaya na ng Malakanyang sa Kongreso ang planong pagrepaso sa implementasyon ng K to 12 basic education program sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi pipigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-aralan ang pagiging epektibo ng K to 12 program.
Aniya, nasa pagpapasiya na ng Kongreso kung ipagpapatuloy pa ang pagpapatupad ng programa alinsunod sa magiging resulta ng kanilang pagsisiyasat.
Nitong linggo, sinabi ni House Speaker Allan Peter Cayetano na kanilang isasalang sa review ang implementasyon ng k to 12 para makita kung naging epektibo ito at tunay na napakinabangan ng mga estudyante.