Pumalag ang mga Transport Network Company sa planong pag-iisyu ng Land Transportation Office o LTO ng panibagong plaka para sa mga Transport Network Vehicle Services.
Ang hakbang na ito ng LTO ay para sana mabilis na matukoy ng ang pribadong sasakyan at mga TNVS na pumapasada.
Ngunit ayon sa TNC at mga partner nilang TNVS dagdag gastos lang at abala kung pakukunin pa sila ng bagong plaka.
Dahil dito inihirit ng naturang grupo na sticker na lang ang iisyu ng LTO sa halip na bagong plaka para sa kanilang pagkakakilanlan.
Ipinangako naman ni LTO Chief Edgar Galvante na kanilang pag-aaralan ang nasabing hirit ng TNC.
Samantala, pinayuhan naman ni Land Transportation Franchising Regulatory Board Chairman Martin Delgra na huwag munang tumuloy ang mga nagbabalak mangutang ng sasakyan para ipasok sa mga TNC.
Aayusin pa umano ng ahensya ang may 13,000 nakatenggang aplikasyon para sa prangkisa ng mga T.N.V.S.
Posted by: Robert Eugenio