Isa-isa nang nag-aanunsyo ng self-quarantine ang mga kongresista na pisikal na dumalo sa special session ng Kongreso kung saan ipinasa nila ang Bayanihan to Heal as One act.
Itoy matapos magpositibo sa COVID-19 si Cong. Eric Go Yap, isa-isa sa 20 kongresista na physically present sa sesyon.
Pinakahuli sa mga nag-anunsyo sina Cong. Tonypet Albano, ACT teacher party-list Representative France Castro, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Benny Abante.
Samantala, sa mga dumalo naman sa March 11 hearing kung saan resource speaker ang Department of Health (DOH) executive na positibo sa COVID-19, tanging sina Cong. Janet Garin, Cong. Defensor at Congressman Jonathan Alvarado na lamang ang hindi pa nakakakumpleto ng 14-day quarantine.