Hinamon ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang Malakanyang na italaga bilang pinuno o chairperson ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19 si Vice President Leni Robredo.
Inilabas ni Trillanes ang pahayag matapos sabihan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Pangalawang Pangulo na maglatag na lamang ng solusyon sa halip na batikusin ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemiya.
Ayon kay Trillanes, kung nais ng malakanyang na makamit ang tinatawag na “flattening of the curve”, dapat hayaan si Robredo na pamunuan ang inter-agency task force on emerging infectious diseases.
Iginiit ni Trillanes, mas maraming magagawa at siguradog mas magiging maganda ang kampanya laban sa COVID-19 kung pangangasiwaan at pamumunuan ni Robredo ang task force.