Inaasahan na aabot sa 150,000 na pasahero ang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Undas.
Ayon kay PITX spokesperson Jason Salvador, sumisigla nanaman ang pagbiyahe sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila bunsod ng bumubuting lagay ng COVID-19 pandemic.
Nakikipag-ugnayan naman ang pamunuan ng terminal sa Land Tranportation Office para sa pagsusuri ng maayos na lagay ng mga bus pati ang kalagayan ng mga driver.
Nagpaalala naman si Salvador na maagang bumili ng ticket upang maiwasan ang siksikan sa terminal.
Asahan na rin ang pagtaas ng presyo ng mga ticket. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla