Muling sumungkit ng gintong medalya si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa 2022 Golden Fly event na ginanap sa Liechtenstein sa Europe.
Nanguna sa field si Obiena matapos ma-clear ang 5.71 meters na kabilang sa ikalawang bahagi ng kanyang season, makaraang makuha ang kasalukuyang asian record-holder.
Ito na ang pang-limang gintong medalya ni Obiena mula sa pitong kompetisyon na kaniyang sinalihan sa loob lang ng tatlong linggo.