Excited subalit kabado ang kauna-unahang Filipinang posibleng bumiyahe patungong planetang Mars bilang bahagi ng “Mars One” project.
Sa Pandesal Forum Programme sa Kamuning, Quezon City, ipinakilala ang kauna-unahang Pinay astronaut na inaasahang tatapak sa red panet Mars.
Si del Rosario ay isa sa dalawang Pinay na shortlisted mula sa 202,586 applicants worldwide na naghahangad na makarating sa Mars.
Ang isa pang Filipina ay si Minerva Reñeses, 24.
Ang 27-anyos na si del Rosario ay ipinanganak sa Pilipinas at kasalukuyan itong nakabase sa Amerika kung saan pinalad na mapalago ang pagiging entrepreneur, metallurgist at political science junkie.
By Mariboy Ysibido