Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pilot testing ng “vaccine bubbles” o pagluluwag ng restriksyon para sa mga bakunadong indibidwal.
Ayon kay Concepcion, maaaring ipatupad ang bakuna bubble concept sa mga lugar sa Metro Manila na may mataas na vaccination rates.
Sa vaccine bubble anya ay tanging fully vaccinated ang makapapasok sa mga establisimyento.
Kasama sa ideya ang paglalahad ng negatibong antigen o RT-PCR test ng mga hindi pa bakunado bago makapasok sa high-risk establishments gaya ng restaurants, salons, coffee shops at gyms.
Ipinunto ni Concepcion na binago na ng delta variant ang sitwasyon pero nananatili ang layunin ng vaccination na maiwasan ang pagkaka-ospital, kamatayan at pagkalat ng sakit.—sa panulat ni Drew Nacino