Aminado ang LPG Marketers Association (LPGMA) na sadyang walang magagawa ang Pilipinas sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, partikular ang LPG.
Inihayag ni LPGMA President Arnel Ty sa DWIZ na nakaasa lamang kasi ang bansa sa oil importation kaya’t tila imposibleng mapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Pinayuhan anya sila ng kanilang mga supplier na maaantala ang pagpapadala ng dalawa hanggang tatlong linggo dahil sa pagtaas ng demand pero ang sitwasyon ay kaya namang mapangasiwaan.
Ipinaliwanag naman ni Ty na dahil lumaki ang demand sa Liquified Petroleum Gas, nagbabadya ring sumirit ang presyo nito sa merkado sa Pebrero, kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya ng Tsina at Chinese Lunar New Year.