Pasok ang Pilipinas sa dalawampung mga nangungunang bansa sa buong mundo sa listahan ng may pinakamaraming gumagamit ng internet.
Batay ito sa ipinalabas na report ng Internet World Stats kung saan umangat sa ika-labing dalawang ranggo ang Pilipinas mula sa ika-labing lima noong nakaraang taon.
Ayon sa Internet World Stats Report, 63 porsyento ng populasyon sa bansa o katumbas ng mahigit 67 milyon mula sa isang daan at apat (104) na milyong Filipino ang mga maituturing na social media savvy o madalas na gumagamit ng internet sa kabila ng pagiging mabagal nito.
Nangunguna naman sa nasabing listahan ang China kung saan aabot sa mahigit 700 milyon ng kabuuang mahigit isang bilyong populasyon nito ang internet users.
Sinusundan naman ito ng India at pumapangatlo ang Estados Unidos.
—-