Kinumpirma ng isang infectious diseases expert na nananatili ang Pilipinas bilang may pinakamabilis na pagtaas ng bagong kaso ng H.I.V. sa buong Asya.
Aminado si Dr. Rontgene Solante, hepe ng San Lazaro Hospital – Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Section, na ang stigma pa rin hinggil sa H.I.V. ang nakikitang dahilan ng patuloy na pagdami ng mga bagong kaso.
Nabatid na isang sampung-taong-gulang ang pinaka-batang H.I.V. case sa ngayon, habang umaasa si Solante na hindi na ito madaragdagan o wala nang maitala na mas bata pang kaso ng nahahawaan ng nasabing sakit.